Friday, May 20, 2005

Babasahin mo kaya ito?

Hayaan mo ako
na makita ang daan
at malibot ang landas
sa sarili kong paraan.

Hindi ito dahilan
o hudyat
para ika'y iwan.

Hindi ito mangyayari.

Sa saglit na nawala ako
sa bawat pag-tiktak ng relo
segundo
minuto
oras
kung ilang araw man ang naging pagitan
na hindi tayo nag-usap
at nagkibuan
hindi ito ang tanda
na ako'y mawawala
o lilisan.

Hindi ito magaganap.

Anumang landas na aking binaybay
dinaanan ko ang mga ito
at patuloy pa rin napupuntahan
dahil ang landas na ito
ay pabalik sayo.

Magtiwala ka
di kita iiwan
babalik ako.

Patungo sayo.

Daan
/subnet-zero
052005

No comments: